Si Tatay Fernando ay naninirahan sa Polangui, Albay at may isang anak. Kasapi siya sa Simbag sa Pag-Asenso Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative ng Diocese of Legazpi City. Labinlimang taon na ang kanyang negosyo na tinawag niyang Dindo Food Delights. Gumagawa siya ng coco jam na nasa botelyang 300 grams at 400 grams. Tinitiyak niyang makinis, malagkit at malasa ang kanyang coco jam products.