Si Nanay Maybelle Ramos ay naninirahan sa San Mateo, Rizal at may apat na anak. Inumpisahan niya ang kanyang negosyo na pinangalanan niyang Gantsilyo ni Menggay noong Agosto 2020, sa kasagsagan ng pandemya. Gumagawa siya ng mga crocheted items tulad ng face mask, lanyard, tops, pouches, at wallets. Lahat ng produkto niya ay gawang kamay at tinitiyak niyang matibay at maayos ang disenyo.