Reynalyn Rodelas

Si Ate Reynalyn ay 26 taong gulang na tubong Boac, Marinduque. Mayroon silang dalawang anak ng kanyang kabiyak na si Kuya Alduin.  Maliit pa lang si Ate Reynalyn ay nakagisnan na niya ang negosyo ng kanyang mga magulang na pagtitinda ng karne at paggawa ng mga produktong tulad ng longganisa, siomai, siopao at iba pa.  Nang namayapa na ang kanyang ama, ipinagpatuloy ni Ate Reynalyn ang negosyong kinagisnan.  Bilang pagpupugay sa kanyang ama, pinangalangan niyang Uncle Roy ang kanilang negosyo.

Buong puso at tatag niyang tinaguyod ang hanapbuhay na ito hanggang siya ay makakuha na ng mga distributors at resellers.  Nitong pandemya, tulad ng karamihan ay  nahirapan din sila dahil sa kakulangan ng karne at ang pagtaas ng presyo ng mga ito .  Layunin nilang makatulong sa kapwa kaya naman pinagsisikapan nilang gawing abot-kaya ng mamimili ang presyo ng kanilang mga produkto. Pangarap niya na mapalago pa ang kanyang negosyo sa pamamagitan ng paglunsad ng mga food carts at franchising.  Malaki ang tiwala ni Ate Reynalyn na magugustuhan ng mga mamimili ang kanilang produkto dahil pure fresh meat lang ang kanilang ginagamit na sangkap.

Walang TVP, harina o ano mang meat substitute ang kanilang mga produkto tulad ng longganisa.  At ang kanilang Chili Garlic oil ay gawa sa fresh chili, garlic at pure oil na 100% cholesterol free. Kaya naman ito ay mabuti sa kalusugan.

Condiments & Sauces

Chili Garlic Oil (120ml)

₱154.00

Fresh & Frozen Meats

Samgyupsal

₱138.00

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid