Susan Noche

Si Nanay Susana ay 51 years old, asawa ni Tatay Evangelisto, at kasalukuyang naghahanapbuhay sa Balite, Calapan City, Oriental Mindoro. May dalawa silang anak na pawang nag-aaral pa.

Kinakatawan ni Nanay Susana ang isang grupo ng mga nanay na naninirahan sa tabing dagat ng Calapan City at napilitang manatili sa tahanan sa panahon ng pandemya.  Naisip nila na magbuklod at magnegosyo ng tinapa upang makapaghandog ng malinis at masustansyang pagkain sa kanilang mga kababayan.  Natuklasan nila na maaaring mag-ingat, sumunod sa mga protocol, at magkaroon ng positibong pananaw habang nagtutulungan upang kumita ang bawa't isa.  Kabilang sila sa Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP).  Ang kanilang mga produkto ay tinapang bangus, tinapang salmon, tinapang tanigue, daing na bangus, at gourmet tuyo.  Ang iba sa kanila ay gumagawa rin ng face mask at face mask lace. 

Sinisikap ng grupo na piliin lamang ang sariwang isda sa mga pinakamalapit na palaisdaan at panatilihan ang kalinisan sa kapaligiran habang ginagawa ang kanilang produkto.  Sa kabila ng quarantine at mga limitasyon sa paggala, nagpapatuloy ang grupo sa tulong ng online selling.  Pangarap nila na palawakin ang kanilang market at paramihin pa ang mga pamilya na nakikilahok sa kanilang hanapbuhay. ​
Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid